<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d8215214\x26blogName\x3d...maybe+redemption+has+stories+to+te...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dLIGHT\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://wretchedredemption.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://wretchedredemption.blogspot.com/\x26vt\x3d-8407396058863658295', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
ANG TSINELAS
Thursday, December 16, 2004

Tawagin mo na'kong corny, pero nung napanood ko yung pelikula nina Regine at Richard, eto lang ang nasabi ko: "WISH KO LANG".



Sabi sa pelikula, ang taong para talaga sa'yo (yung ryt one ika nga) ay para raw TSINELAS. Di naman sinasabing mukhang goma o balat ang hanapin mo. Ganito kasi yan.



Maraming uri ng sapatos ang nagkalat sa paligid - may school shoes, rubber shoes, boots, stilettos, sandals at kung anu-ano pa. Iba't ibang style, iba-ibang dekorasyon. At syempre, iba-iba din ang presyo. May mura, may mahal. Ikaw, pag pumasok ka sa opisina, di ba isinusuot mo ang mamahalin mong black leather shoes (kung lalaki ka) o yung high-heeled sandals mo (kung babae ka)? Yun ang isinusuot mo dahil yun ang gusto mong ipambalandra at ipakita sa iba buong araw.



Pero at the end of the day, kapag pagod ka na sa maghapong trabaho.habang nasa biyahe ka na pauwi ng bahay.ano ba'ng tatlong bagay ang ini-imagine mo'ng gawin? 1.) Magpahinga 2.) Kumain ng hapunan at 3.) Magbihis ng damit-pambahay at magsuot ng tsinelas. Tama, tsinelas!



Naisuot at naipagyabang mo na ang lahat ng magaganda at mamahalin mong sapatos. At maaaring marami ka na ring napahanga dahil dito. Pero sa bandang huli, kapag hindi mo na kailangang magbihis ng maganda, mag-pretend ng kahit na ano, nasa bahay na lang, walang make-up at ikaw ay ikaw na lang talaga, di ba't ang simpleng tsinelas pa rin ang hahanap-hanapin mo? At wala ka nang pakialam kung may tatak man ito, mamahalin o may kung anu-anong burloloy.basta ang alam mo, tsinelas ang gusto mo.



Sa buhay mo, marami kang makikilalang babae at lalake. Maganda, Gwapo, Sexy (pang-FHM), Mayaman, Malakas ang dating, Hanep ang porma, lahat na. Pero sa bandang huli, pareho nating alam na hindi yun ang pinakamahalagang ingredient ng tunay na pagmamahal. Kumportable ka ba sa taong 'to? Does he/she make you feel good about yourself? May kakaiba bang 'warmth' na ibinibigay ang taong 'to, na parang nagsasabi sa'yong 'you're home and safe at last'? Does this person make you happy? Tinatanggap ka ba niya kahit 'pambahay' na lang ang hitsura mo? Siya ba ang tipo ng taong alam mong makikinig kapag nire-report at ikinukwento mo na ang mga nangyari sa'yo buong araw? Think about it.



I'd be a lying asshole kapag sinabi kong aesthetics do not count. Pero ang puso, tumitibok yan sa mga di inaasahang pagkakataon. And sometimes you wonder about it, and most of the time, you even deny it. But deep down, you just know, and feel, that it's right.



Ito ay para sa mga taong nakahanap na, at naghahanap pa rin ng tsinelas nila. Congratulations at Good Luck! Nawa'y nakatulong ang obserbasyon kong ito, salamat sa pagbabasa. Happy hunting!


This was forwarded to me by a friend of mine.......and.... all I can say is.... this really hit too close to home.... DAMN!

posted by niknok at 11:04:00 PM | Permalink |

[ back home ]

Comments for ANG TSINELAS